Ang obesity ay ang kondisyon kung saan sobra ang taba sa katawan ng isang tao.
"Ang overweight is a general term. Ibig sabihin, beyond normal weight, ikaw ay overweight. 'Pag obese ka, nakatutok iyan sa fatness. Ibig sabihin ikaw ay overweight dahil fat ka. Ngayon kung ikaw ay overweight dahil sa muscle, hindi ka obese pero overweight ka," aniya.
Gamit ang tinatawag na "jump test," maaaring malaman ng isang tao kung siya ay obese.
"Sa harap ng salamin, kung ikaw lang mag-isa, tumalon ka lang ng konti. Lahat ng magji-jiggle diyan ay fat. Tingnan mo lahat, mula sa face mo, sa arms mo," ani Dineros.
Dagdag pa niya, tanging pagkain ang nagiging dahilan ng pagiging obese.
"Walang ibang pinanggagalingan ang obesity kung hindi pagkain. Hindi po tayo tumataba dahil sa tubig lang. Ang problema lang, nasa denial state tayo. Ang balance ng intake at expenditure ng calories, iyon ang nagko-cause ng obesity," ani Dineros.
Kung ang isang tao ay mas mataas ang timbang kaysa sa normal, mahihirapan ang mga organs nito.
"Kung 50 pounds overweight, parang one sack of rice iyan. So para kang may dalang isang sako ng bigas anytime of the day. So iyong puso ay magtatrabaho ng doble iyan. Iyong tuhod mo, magko-complain ka kasi dala ka nang dala ng isang sako ng bigas anytime. Kapag natulog ka, nakadagan sayo iyong isang sakong bigas," paliwanag ni Dineros.
Para kay Dineros, mahalagang baguhin ang ugali sa pagkain upang maiwasan ang pagiging obese.
"Pagdating sa harap ng food, isipin mo na lang na iyong food na iyon ay para sa nutrition at hindi para sa pleasure mo. Kapag nag-iba po iyong ating motivation to eat, from nourishment to pleasure, magkakaroon ka na ngayon ng complications related to that," aniya.
Mahalagang mabawasan ang dami ng pagkain o calorie intake at madagdagan naman ang caloric expenditure sa pamamagitan ng ehersisyo.
Mahalaga rin umano na maintindihan ng isang tao kung kailan siya gutom at kailan siya kailangang tumigil sa pagkain.
"Dalawang kutsara lang ng food, even water for that matter, mawawala na iyong physiologic hunger mo. Pero iyong craving mo, nandyan pa rin. Iyong craving part na iyan, wala iyang contentment, walang katapusan," paliwanag ni Dineros.
Maaaring uminom ng tubig para malaman kung kinakailangan nang kumain.
"Just take in a glass or two of water. Kapag uminom ka na ng tubig at nawala iyong hunger mo, hindi ka hungry. Thirsty ka lang," ani Dineros.
"Kung ikaw ay uminom at hungry ka pa, kumain ka na, kasi walang ibang treatment ang hunger kundi kumain," dagdag pa niya.
Dapat rin umano na nginunguya ng maayos ang pagkain.
"So dapat kumakain tayo ng solid food at hindi liquid. Pero iyong solid food natin, hindi natin dapat iniinom like liquids. Kinakailangan nguyain natin iyong food," ani Dineros.
Sa ganitong paraan din malalaman kung ikaw ay busog na at kinakailangan nang tumigil sa pagkain.
"Kapag ikaw ay nakaramadam na ikaw ay busog na, you should stop eating," paliwanag ni Dineros.
SOURCE : ABS-CBN