• Thursday, April 13, 2017

    Alamin ang alternatibong paraan para mabawasan ang pagiging pawisin

    Para bang Hinulugang Taktak ang kilikili mo dahil sa tagaktak ng pawis lalo na ngayong tag-init? Panoorin ang programang "Pinoy MD" kung saan idinaan sa test challenge ang apple cider vinegar at lemon juice with baking soda para malaman kung alin sa kanila ang makatutulong sa mga pawisin.


    Sinasabing may kemikal ang apple cider vinegar na makikita rin umano sa deodorant, habang may anti perspirant property naman daw sa pinaghalong lemon juice at baking soda.

    Ang apple cider vinegar at lemon juice with baking soda ay ilalagay sa magkabilang kilikili ng isang estudyanteng pawisin. Pagkaraan nito, hahayaan siyang tumayo sa init ng araw upang makita kung alin sa dalawa ang mabisang magkontrol sa paglabas ng pawis.

    Panoorin ang resulta:



    WS